Kasabay ng expanded testing sa COVID-19, gagamit na rin ang Pilipinas ng bagong test kits sinasabing may kakayahan makapag-produce ng mas mabilis na resulta.
“Patuloy ang paghahanap at pag-aaral ng kagawaran ng iba pang testing approaches na makapagbibigay ng mas mabilis at accurate testing results.”
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, may inaasahang 3,000 cartridge na daratin mula ibang na magagamit ng testing facilities.
Ang naturang cartridge na siyang pinaglalagyan ng mga nakukuhang specimen, ay dinevelop ng kompanyang Cepheid at aprubado ng US Food and Drug Administration.
“Maliban sa paggamit natin ng UP test kits, ang kompanyang Cepheid ay nag-develop ng cartridge, specifically para madetect ang COVID-19 virus.”
Kasalukuyan itong ginagamit para sa detection ng tuberculosis pero may kakayahan din daw itong maka-detect ng COVID-19.
“Idi-distribute sa ating mga laboratoryo na mayroong Xpert machines na compatible dito upang masubukan ang approach na ito.”
“Ang GeneXpert ay isang test na kasalukuyang ginagamit para sa diagnosis ng tuberculosis. Automated na ang prosesong ito at mas mabilis makakuha ng resulta kumpara sa PCR machines.”