Nasa 300 mga prison guards ng maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang tinanggal ni Bureau of Corrections director Gerald Bantag.

Ayon kay Bantag, na ang nasabing hakbang ay base na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Papalitan ang mga ito ng 500 na kapulisan.

Maguguitang tinanggal ng pangulo si dating BuCor chief Nicanor Faeldon dahil sa kontrobersyal na pagpapalaya ng ilang daang sangkot sa heinous crimes convicts dahil sa ipinapatupad na Good Conduct Time Allowance (GCTA).