Nasa mahigit 30,000 na mga Filipino na nasa bansang Israel ang nabigyan ng libreng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Embassy of Israel sa Pilipinas na libreng binakunahan ng gobyero ng Israel ang mga Filipino na nasa kanilang bansa.
Hindi na inalintana ng gobyerno ang kanilang citizenship status at kung sila ay mayroong insurance.
Mayronog 30,000 na mga Pinoy caregivers, 400 Agriculture student at mga staff ng Philippine embassy ay naturukan na ng Pfizer vaccine.
Kasama ring nabakunahan ay ang mga Filipino na mayroong expired na working permits.
Labis ang pasasalamat ni Israeli Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz sa pagtulong ng mga Filipino caregivers sa mga may edad na at mayroong kapansanan na Israel.
Lumalabas sa business data platform na Statista na nangunguna ang Israel sa may mabilis na pagbabakuna kung saan natapos na nila ang 5.2 milyon na mamamayan nila ang nabakunahan sa kabuuang 9.3 milyon na populasyon ng Israel.