Inaasahang magbubukas sa mga susunod na araw ang iba pang We Heal As One Centers sa Luzon bilang bahagi ng COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa isang virtual presser nitong umaga, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO Vivencio “Vince” Dizon, tatlong We Heal As One Centers ang inaasahang magbubukas sa mga susunod na araw.
Ayon kay Dizon, tinatapos na sa ngayon ang conversion ng Philippine Sport Arena sa Pasig City; Philippine Arena sa Bulacan; pati na rin ang Filinvest Tent sa Muntinlupa.
Kahapon lang ay binisita ni National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang mga We Heal As One Centers sa Clark, Pampanga na handa nang tumanggap ng mga COVID-19 patients na may mild o walang sintomas ng sakit.
Kabilang sa mga ito ay ang ASEAN Convention Center, na mayroong 150 beds at National Government Administrative Center sa Tarlac na mayroong 400 beds pero dadagdagan pa ng para umabot sa 1,000.