-- Advertisements --

Patay ang tatlong sundalo ng US sa naganap na drone attack sa kanilang outpost sa Jordan.

Nasugatan rin ang mahigit na 30 sundalo sa atake na naganap sa maliit na outpost ng US sa Jordan.

Naniniwala ang US na kagagawan ng mga militanteng grupo na suportado ng Iran ang atake.

Ito ang unang pagkakataon na mayroong nasawing sundalo sa Middle East mula ng magsimula ang labanan sa Gaza noong buwan ng Oktubre.

Inaalam pa ng US ang nasa likod ng nasabing pag-atake kung saan tiniyak nila na kanilang papanagutin ang mga ito.