-- Advertisements --

Binuweltahan ni House impeachment prosecutor Rep. Terry Ridon ang mga tagasuporta ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa “no smoking gun” isyu na wala umanong naipalabas na malaki ang prosecution sa day 21 ng impeachment trial.

Si Atty. Michael Poa ng Defense panel ang humarap bilang hostile witness ng prosecution.

Hinamon ni Ridon ang mga ito na “i-unmute ang video” at pakinggan ang mga ebidensya at testimonya sa impeachment trial.

Banat ng mambabatas baka naka-mute kasi ang video ng mga supporters ni VP Sara.

Ayon kay Ridon, sapat na ang mga ebidensyang iniharap ng prosecution sa unang dalawang impeachment articles, ngunit hindi niya maaaring talakayin ang bigat ng mga ito dahil sa sub judice rule.

Iniharap ng prosecution ang mga ebidensya kaugnay ng umano’y maling paggamit at liquidation ng P612.5 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.