Nagsalita na bilang testigo si retired Col. Manaros Boransing II sa ika-20 araw ng impeachment trial kaugnay ng kontrobersyal na paggamit ng confidential funds ng Department of Education (DepEd).
Binigyang-linaw ng opisyal ang naging partisipasyon ng militar sa mga programang tulad ng Youth Leadership Summits sa pagtatanong ni Senator-Judge Erwin Tulfo.
Kanyang pinatotohanan na kahit isinagawa ng kanilang yunit ang mga naturang aktibidad, wala silang natanggap na anumang pondo o tulong-pinansyal mula sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa prosecution, ginamit lamang ng DepEd ang mga military certification upang i-justify ang liquidation ng P15 milyong confidential funds sa Commission on Audit (COA).
Patuloy namang sinusuri ng mga senator-judge ang mga naging pahayag upang matukoy ang pananagutan sa usapin.














