CENTRAL MINDANAO – Tukoy na umano ng pamilya ng mga biktima ang mga suspek sa panambang sa lungsod ng Cotabato.
Nakalabas na ng pagamutan si Atty Tucod Ronda, deputy provincial prosecutor ng Maguindanao.
Nagpapagaling naman sa pagamutan sina Abol Taya Ronda at Nestor Ronda, mga residente ng Purveyors Subdivision, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.
Matatandaan na habang sakay ang mga biktima sa isang Toyota Grandia na may plakang PN 030105 mula sa Mosque sa Friday Congregational prayer papauwi na ng kanilang tahanan ngunit pagsapit nila sa Penafrancia Village, RH 11 ng lungsod ay bigla itong tinambangan ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 armalite rifles at caliber .45 pistol.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng kulay puti na Toyota Innova nang paputukan sila ng isang pulis na residente kung saan nangyari ang pananambang.
Sinabi ni Atty Ronda na positibong may kinalaman sa kanyang trabaho ang motibo sa pananambang.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa nangyaring ambush sa mga biktima.