ILOILO CITY- Pumalo na sa 80 ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Western Visayas
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. May Ann Soliva-Sta. Lucia COVID-19, cluster head ng Health Promotion at Covid-19 spokesperson ng Department of Health Region 6, sinabi nito na base sa case bulletin no 40 ng ahensya, nadagdagan pa ng walo ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ayon kay Sta. Lucia, napabilang sa panibagong kaso ng Covid-19 ang tatlong repatriated Overseas Filipino Workers.
Ani Sta. Lucia, ilan sa mga nagpositibo ay dinala na sa ospital, habang ang iba naman ay nakafacility quarantine.
Sa kabila ng karagdagang kaso ng Covid-19, nakapagtala parin ng dalawang recoveries ang rehiyon.
Napag-alaman na sa ngayon, tanging ang lalawigan ng Guimaras ang nananatiling Covid-19 free sa Western Visayas.