-- Advertisements --

Sumailalim sa panibagong reshuffle ang Philippine National Police (PNP) matapos na italaga at ilipat si dating PNP Spokesperson at Directorate of Comptrollership PBGen. Jean Fajardo sa Area Police Command – Eastern Mindanao.

Papalitan siya ni PMGen. Westrimundo Obinque na siyang dating kamag-aral ni PNP Acting chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa Philippine Military Academy (PMA) class of 1992 bilang bagaong head ng DC.

Ang naiwang pwesto naman ni Obinque ay pupunan ni PMgen. Christopher Birung bilang bagong hepe ng National Police Training Institute (NPTI).

Ang mga pagbabago na ito ay alinsunod at batay na rin sa bagong liderato ngayon ng PNP sa pamamalakas ni Nartatez.

Samantala, sa kaniyang unang command conference, ipinahayag ni Nartatez ang magiging blueprint ng kaniyang liderato sa Pambansang Pulisya na siyang magiging basehan ng mga inaasahang pagbabago sa loob ng organisasyon.

Matatandaan naman na si Fajardo ay nagsilbi bilang pinakamatagal na tagapagsalita ng Pambansang Pulisya bago maging opisyal ng DC at maitalaga sa bago nitong assignment sa Mindanao.