DAVAO CITY – Kinumpirma ng Department of Health(DOH) 11 na patay na ang tatlong mga patients under investigation (PUI) dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) habang hinihintay ang kanilkan mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Inihayag ni Dr. Anabelle Yumang, DOH-11 director, dalawa sa naturang mga pastenye ay pareho nang mayroong dating mga sakit bago pa man namatay, samantala ang 68 taong gulang ay nagka-develop na ng lagnat at ubo.

Mayroon umanong stage 4 bladder cancer stage 4 ang pasyente at ang sanhi ng kanyang sakit ay uremic sepsis secondary to complicated urinary tract infection.

Samantala ang 71 anyos na biktrima ay mayroon umanong travel history sa Laguna at Metro Manila at dumating sa sydad noong March 9.

Dagdag pa ni Yumang na ang ika-tatlong pasyente ay isang 68-year-old Korean businessman na mayroon travel history sa Riyad saudi arabia at Manila at dumating noong March 9 sa bansa.

Sinabi ng DOH – 11 na ang tatlong fatalities ay kalakip sa 54 OUIs sa rehiyon na na confine sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City at SOuthern Philippines Medica center (SPMC) dito sa lungsod ng Davao.

Sa ngayon hinihintay pa umano ng DOH -11 ang resulta ng mga tests sa mga biktima upang malaman kung infected ba ang mga ito ng COVID- 19.