Binigyan ng dalawang araw ang tatlong senior cadets ng Philippine National Police Academy (PNPA) na maghain ng kanilang motion for reconsideration matapos pirmahan ng pamunuan ng akademiya ang rekumendasyon ng Board of Inquiry (BOI) na tanggalin ang mga ito sa cadetship program.

Napatunayang guilty ang tatlong kadete at dapat sampahan ng administrative charges for Grave Delinquency at Conduct unbecoming of an officer or Acts Inimical or Prejudicial to Good Order or Discipline.

Ang nasabing dismissal ay hindi pa final dahil kailangan pa nilang magsumite ng kanilang ng kanilang motion for reconsideration.

Ayon kay PNPA Director CSupt. Jose Chiquito Malayo na sasailalim pa rin sa due process ang kaso ng tatlong kadete.

Tiniyak naman ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na hindi sasantuhin ng PNP ang maling gawain ng mga nasabing kadete.

Sinabi ni PNP chief na kung guilty ang tatlong kadete nararapat lamang na matanggal ito sa cadetship program