Pinalaya na ang tatlong Pilipinong menor de edad na nahuli sa Qatar dahil sa pakikilahok sa ‘di-autoridadong pag-protesta noong nakaraang linggo.
Habang 16 iba pa ang maaaring makulong ng hanggang tatlong taon kung mapapatunayan na nilabag nila ang mga batas laban sa pagra-rally.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, ang tatlong menor de edad ay pinalaya na, ngunit ang kanilang ina ay nananatili sa kustodiya ng mga pulis.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon at maaaring mapalaya ang iba pang mga Pilipino kung ‘wala namang sapat na ebidensya laban sa kanila, bagaman maaari parin silang pagmultahin
Ayon sa mga awtoridad, ilegal ang mga ‘di-autoridad na pagsasagawa ng protesta sa ilalim ng batas ng Qatar gayundin ang mga public gathering na kinakilangan ng pahintulot mula sa gobyerno.
Aabutun naman ilang linggo ang proseso ng imbestigasyon, dahil sa selebrasyon ng Ramadan.
Pinayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa ibang bansa na sundin ang mga batas ng kanilang host countries, at iwasang makialam sa mga ilegal na pag-protesta