Patay ang tatlong mga bata sa pagkalunod sa isang abandonadong quarry site sa Capaz, Tarlac.

Ayon kay Police Msgt Rez Santos, kaninang umaga huling nakita ng mga magulang ang mga bata na nagpa-alam na maglalaro lamang.

Pero nagsimulang maghanap ang mga kaanak ng tatlo nang matagalan ang mga ito sa pag-uwi.

Inaalam na ng pulisya kung paano nakapasok sa saradong quarry site ang mga biktima at kung may pagkukulang ang may-ari ng nasabing lugar.

Sinubukan ng pulisya na makipag-ugnayan sa namamahala ng quarry, ngunit hindi pa umano mahagilap ang mga operator nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here