Nasa tatlong katao ang patay habang marami ang nasugatan sa nangyaring karambola ng sasakyan sa Texas.

Naganap ang insidente sa Forth Worth City sa Texas kung saan mahigit 50 ang nasugatan.

Itinuturong dahilan ng insidente ay ang sama ng panahon.

Nagkaroon kasi ng pag-ulan ng makapal na yelo na nagdulot ng madulas na kalsada.

Dahil sa insidente ay isinara ng mga otoridad ang national highway kung saan nangyari ang aksidente.

-- Advertisement --