CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang bata habang dalawa naman ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Purok 9, Brgy Nangka, Villanueva, Misamis Oriental.

Kinilala ang nasawi na si Raymondo Pagulayan, 58, driver ng motorsiklo, Rizza Pagulayan, 8, at Irish Bonos, 2.

Ang sugatan naman ay nakilalang sina Nieves Ermita, 67, at Rezza Pagulayan, 20.

Sinabi ni Villanueva Municipal Police Station investigator Chief M/Sgt Teody De Oro na papunta sana sa isang reunion ang mga biktima sa lungsod ng Claveria lulan ng Yamaha vega na motorsiklo ngunit pagdating sa kurbadang bahagi sa nasabing lugar ay nawalan ng control ang driver kung kaya’t bumangga pailalim sa kasalubong na Isuzu Figter Mitsubishi na minamaneho ni Yorme Opaon, 47, residente ng Patrocenio, Claveria.

Dead on the spot ang dalawang bata at naisugod pa sa ospital ang driver ngunit idineklara ng mga doktor na patay.

Ayon kay De Oro may gagawing amicable settlement ang driver ng truck at mga pamilya ng biktima.