CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong (3) katao matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo na nakaparadang ten wheeler truck sa Brgy Matangad,Gitagum,Misamis Oriental.

Kinilala ang mga namatay na sina Jecris Jamis, drayber at dalawang backrides nito na sina Filsant Tagarda at John Carl Maagad habang patuloy pang ginagamot sa bahay-pagamutan ang ibang kasama nito na si Clint Ivan Tagarda.

Ayon kay Police Lt Princess Joy Enriquez, tagapagsalita ng Misamis Oriental Provincial Police Office na nangyari ang madugong aksidente nang biglang bumangga sa nakaparadang trak ang motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima.

Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng truck na si Edesio Cabusas,56 anyos, residente ng Salvador, Lanao del Norte na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting into homicide at physical injury.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here