Inaresto ang tatlong opisyal sa North Korea matapos aksidenteng maling nai-launch ang tinatayang nasa 5,000-toneladang warship sa Chongjin nitong Miyerkules, ayon sa ulat ng Korean Central News Agency (KCNA) nitong Linggo.
Tinawag ni North Korean leader Kim Jong Un ang insidente bilang isang “criminal act” dulot ng matinding kapabayaan, matapos madurog ang ilang bahagi ng ilalim ng barko.
Kinilala ang mga inaresto bilang chief engineer ng shipyard, head ng the hull construction workshop, at ang deputy manager ng administrative affairs.
Iniulat din na pinatawag ang shipyard manager na si Hong Kil Ho ng mga awtoridad para sa imbestigasyon.
Kinumpirma naman ito ng military ng South Korea at US intelligence na nabigo ang “side-launch attempt” ng barko, dahilan para ito ay lumubog sa isang panig.
Ngunit iginiit ng KCNA na hindi malubha ang pinsala, at walang butas sa ilalim ng barko batay sa isinagawang inspeksyon.
Inihalintulad ng South Korea ang bagong warship sa 5,000-toneladang destroyer-class na “Choe Hyon,” na unang ipinakita ng Pyongyang noong nakaraang buwan. Hinala ng Seoul, posibleng tinulungan ng Russia ang konstruksyon ng barko kapalit ng pagpapadala ng mga tropa ng North Korean sa Ukraine.