Bugso 5
gamit na nakumpiska sa NPA

CENTRAL MINDANAO- Patay ang tatlong mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa engkwentro ng militar sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng 603rd Brigade na habang nagpapatrolya ang tropa ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Sinuksok Brgy Bugso Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat nakasagupa nito ang 25 na mga NPA.

Tumagal ng tatlumpung minuto ang palitan ng bala sa magkabilang panig gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Umatras ang mga rebelde paakyat ng bundok nang paputukan sila ng mortar ng mga sundalo.

Narekober ng 37th IB ang tatlong bangkay ng mga NPA sa ilalim ng Daguma Front at nakuha sa kanilang posisyon ang isang kalibre.45 na pistola,isang M14,isang M16 Armalite rifle,mga bala,sangkap sa paggawa ng bomba,1 handheld radio,Medical Kits,tatlong sakong bigas,3 cellphone at mga mahahalagang dokumento ng mga rebelde.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang combat clearing operation ng 37th IB sa mga NPA na kanilang nakasagupa sa bayan ng Senator Ninoy Aquino Sultan Kudarat.