-- Advertisements --
DOH USEC. VERGEIRE
Video grab from DOH presscon

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) ang tuluyan pang pag-akyat sa 1,418 ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas. Bunsod ito ng 343 na bagong bilang ng mga nag-positibo sa sakit.

Ito na ang pinakamataas na daily record ng positive cases mula sa higit 200 kahapon.

Sa kabila nito, may pitong nadagdag sa mga recoveries dahil sa pagaling nina: PH204, PH358, PH135, PH 122, PH114, PH109 at PH88.

Ang lima sa kanila ay lalaki at may dalawang babae. Karamihan sa kanila ay walang travel history maliban ang isa na galing Japan.

Mayroon din mula sa kanilang grupo ang na-expose sa isang infected patient, habang ang isa ay “related” sa COVID-19 case.

May tatlo namang bagong namatay kaya 71 na ang bagong total ng death case.

Kabilang sa “vulnerable population” ang mga binawian ng buhay na sina PH859 mula Quezon City; PH900 na taga-Iloilo; at PH718 na residente ng Maynila.