CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Ozamis City Police Director Jovie Espenido ang pagkamatay ng tatlong suspek na miyembro ng kilabot na roberry group na umano’y pinatatakbo ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City.

Sa naganap na press conference sa Ozamiz-Philippine National Police headquarters, inihayag ni Espenido na siya mismo ang namuno sa pagtugis sa mga suspek na nakilalang sina Jake Delos Santos, isang alyas Boyaks at alyas Coco.

Inamin ni Espenido na lumaban ang kanyang tropa matapos ang pamamaril ng mga suspek sa kanila.

Base naman sa isinagawang imbestigasyon, ang grupo ni Delos Santos ay kilalang tauhan ng mga Parojinog kung saan aabot ang kanilang panghoholdap sa area ng Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Misamis Occidental at maging sa Iligan City.