DAGUPAN CITY- Patay ang tatlong menor de edad matapos malunod sa ipinasarang quarry site sa Capaz, Tarlac.

Nakilala ang mga biktima na sina Richele Bruno, 7, kapatid niyang si Raymar Bruno, 9, at pinsan nilang si Eunice Gutierrez, 10, pawang mga residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, mangunguha lang sana ng mangga ang mga biktima nang makita ang quarry site.

Nang makita ang tubig ay agad na naligo ang mga biktima at dito na sila nalunod.

Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng quarry site.