ILOILO CITY – Patay ang tatlong menor de edad na magkapatid matapos nalunod habang tumatawid sa ilog sa Brgy. Cansilayan, Valderrama, Antique.

Ang mga biktima amo sina Maricel Canja, 17, Maria Canja, 15, at Ruben Canja, 11, residente ng nasabing lugar.

-- Advertisement --

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Capt. Narciso Sables, hepe ng Valderrama Municipal Police Station, sinabi nito na papauwi na sana ang magkakapatid ng inanod ng rumaragasang tubig sa ilog.

Nag-iisa namang nakaligtas ang kapatid ng mga biktima na si Victor, 13.

Napag-alaman na hindi kasama ng mga biktima ang kanilang magulang ng mangyari ang insidente.