-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Walang tulugan, ito ang sagot ni Police Major Salman Saad, spokesperson ng Lanao del Norte Police Provincial Office matapos nilang i-dinispatch ang mahigit 400 police force ng Lanao del Norte upang e-rescue ang mga binahang residente ng limang munisipalidad ng probinsya mula pa kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Saad na activated kaagad ang kanilang quick response at crisis management team kung kaya’t naisalba ang mga residente mula sa bayan ng Salvador, Lala, Sapad, Sultan Naga Demaporo at Kapatagan.

Inamin ni Saad na gumamit sila ng mga rubber boat mula kagabi dahil umabot na sa bubungan ang tubig baha sa bahagi ng Sultan Naga Demaporo.

Pahirapan aniya ang pagpa-evacuate sa mga residente dahil ayaw nilang iwanan ang kanilang mga bahay kahit napuno na sa baha.

Sa ngayon na nanatiling ngpapasilong sa evacuation centers ang mahigit tatlong libong pamilya.

Umabot naman sa 27 bahay ang nasira sa Lala, pito sa Sultan naga demaporo, at apat sa Sapad.

Tiniyak naman ng PNP na magbibigay sila ng kaukulang seguridad sa mahigit sampong libong indibidwal na mga evacuation centers ng limang apektadong munisipalidad.