Hinatulang makulong ng pang-habambuhay ng korte sa India ang tatlong lalaki na resposable sa panggagahasa at pagpatay sa isang walong taong gulan na babaeng Muslim sa Jammu at Kashmir.

Ayon kay special prosecutor Santoh Singh na kanilang inaapela ang hatol laban sa mga aquittal ng isa sa mga suspek.

Habang juvenile case laban sa isang suspek ay dinidinig naman sa ibang korte.

Ang Biktima na hindi na pinangalanan ay mula sa nomadic Muslim group na kilala bilang Bakarwals na ito ay dinukot habang inaalagaan ang kaniyang kabayo sa bayan ng Kathua sa Jammu.

Mula ng mangyari ang insidente noong Abril 2018 ay marami ang nagalit at nagsagawa ng kilos protesta sa malaking bahagi ng India.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here