-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang tatlo sa 640 na residente ng Quezon City na inilikas noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Nasa pangangalaga na ang mga ito ng community-care facilities para sila ay mabigyan ng medical attention.

Sinabi ni Quezon City’s Epidemiology and Disease Surveillance Unit head Dr. Rolando Cruz, na kahit negatibo sa COVID-19 ang 637 na mga evacuees ay kanila pa rin nila itong imomonitor.

Dagdag pa nito na kahit lumabas na negatibo ang mga resulta nila ay nananatiling nakaalerto ang mga ito.

Umaabot na kasi sa 24,434 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 709 dito ang nasawi at 23,236 naman ang gumaling na.