-- Advertisements --

Inanunsyo ng transport group na Manibela ang pagsasagawa ng tatlong araw na nationwide transport strike mula Miyerkules, Setyembre 17 hanggang Biyernes, Setyembre 19 bilang protesta laban sa umano’y malawakang katiwalian kaugnay ng flood control projects.

Sa pahayag ng grupo, binigyang-diin nila ang kanilang pagkadismaya kung paanong ang excise tax mula sa diesel na binabayaran ng mga jeepney driver ay ginagamit umano upang pondohan ang marangyang pamumuhay ng ilang opisyal at maging ng kanilang mga anak na sangkot sa kontrobersya.

Aniya, hindi tama na sila pa ang nagpapasan ng luho ng mga tiwaling opisyal, samantalang ang mga tsuper ng dyip ay halos buong araw nagbabanat ng buto para lamang kumita ng sapat na pantustos sa pamilya.

Ito aniya ang pangunahing dahilan kung bakit sila maglulunsad ng malawakang tigil-pasada.

Samantala, nauna nang inanunsyo ng isa pang transport group na PISTON ang kanilang nationwide transport strike laban sa katiwalian sa darating na Huwebes, Setyembre 18.