-- Advertisements --

Iniulat ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.na naging produktibo ang kaniyang 3-day state visit sa Czech Republic kung saan nakapulong nito ang top 4 ranking governnent officials at lumagda ng  memoranda of understanding (MOUs).

Sinabi ng Pangulo na siya ay natutuwa na kahit sa maikling panahon nagig produktibo ang kaniyang pagbisita sa Prague.

Sa tatlong araw na state visit, nagkaroon ng produktibong pagpupulong si Pangulong Marcos kasama sina Pangulong Pavel at Unang Ginang Eva Pavlová, Prime Minister Petr Fiala, Pangulo ng Senado ng Czech na si Miloš Vystrčil at Tagapagsalita ng Czech ng Kamara ng mga Deputi na si Markéta Pekarová Adamová.

Sinaksihan nina Pangulong Marcos at Pangulong Pavel ang paglagda sa Joint Communique na naglalayong magtatag ng mekanismo ng konsultasyon sa paggawa sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at ng Czech Ministry of Labor and Social Affairs.

Sinaksihan din ng dalawang lider ang ceremonial signing ng MOUs sa pagitan ng Philippine business leaders at kanilang mga Czech counterparts sa hangaring isulong ang kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.