Saude M2
7th IB image

CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga rebelde na sina Bhots Oledad, Ebra Kamedon at Saude Montawal, mga residente ng Sitio Tatak, Brgy Dalgan, Pagalungan, Maguindanao.

Ang tatlong BIFF ay sumuko sa tropa ng Alpha Company ng 7th Infantry (Tapat) Battalion Philippine Army.

Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang Homemade Ultimax 5.56 rifle, isang homemade M79 grenade launcher, mga bala at magazine.

Sinabi ni Saude Montawal na gusto na nilang mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang mahal na pamilya.

Nais na rin nilang makiisa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na pinamumunuan ni Interim Chief Minister Ajod “Murad”Ebrahim.

Nagpasalamat naman si 7th IB commander Lieutenant Colonel Rommel Valencia sa tulong ng mga lokal na opisyal at barangay sa bayan ng Pagalungan sa pagsuko ng tatlong miyembro ng BIFF.

Tumanggap naman ng livelihood assistance ang tatlong BIFF mula sa LGU-Pagalungan sa pamumuno ni Mayor Salik Mamasabulod at Vice-Mayor Abz Mamasabulod.

Nanawagan naman si Col. Valencia sa mga rebelde kagaya ng BIFF, NPA at ibang mga lawless group na sumuko na at magbagong buhay dahil tutulungan sila ng gobyerno.