-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Sumuko ang tatlong mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa tropa ng 57th Infantry (Masikap) Battalion Philippine Army sa Sitio Iking, Barangay Romongaob, South Upi, Maguindanao.
Ang tatlong rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos ng BIFF Bungos faction.
Sinabi 603rd Brigade Commander Eduardo Gubat na sumuko ang tatlong rebelde sa pinaigting na focused military operation sa Maguindanao.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang isang M1 Garand rifle, isang carbine rifle,isang kalibre.45 na pistola,mga magazine at mga bala.
Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy ang mga tumulong sa negosasyon sa pagsuko sa tatlong BIFF.