-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga nag-positibo sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa Pilipinas.

Lumalabas sa data na inilabas ng Deartment of Health (DOH) nitong hapon na dalawa sa mga ito ang residente ng Quezon City, habang inaalam pa kung saan nakatira ang isa.

Dahil dito, 52 na ang total recorded positive cases ng COVID-19 sa buong bansa.

Patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na makiisa sa ginagawang contact tracing ng mga otoridad sa nakasalamuha ng mga positibong pasyente.

“So we continually ask the public to cooperate and help us in the investigation and contact tracing activities. Individuals with history of known exposure to a positive patient and/or travel to areas with local transmission, within and outside the country, presenting with mild symptoms are advised to self-isolate and be home quarantined for 14 days,” ani Health Sec. Francisco Duque III.

“Those presenting severe and critical symptoms need to be immediately admitted to health facilities. Let us be responsible with our own health, family’s well being, and that of our community.”