Arestado ang tatlong lalaki sa isinagawang anti-drug operations ng PNP sa San Jose del Monte, Bulacan.

Nakuha sa mga suspek ang siyam na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Kabilang sa naaresto ang itinuturing nasa-drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga naaarestong suspek.