-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi naapektuhan ang serbisyo ng isang himpilan ng pulisya ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) kahit halos 30 sa mga personahe nito ang tinamaan ng coronavirus disease sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos nag-positibo ang 28 sa 44 na police at non-uniform personnel ng Cogon Police Station 2 ng bayrus kaya pansamantala na inalis at ipinasok sa isolation facilities ng lungsod.

Inihayag sa Bombo Radyo ni Police Master Sgt Chapain Selaras,officer ng Cogon Police Station 2 Police Community Relations na agad nag-deploy ang COCPO ng isang team mula City Mobilef Force Batallion upang pansamantala na hahalili sa nabakante na mga posisyon ng himpilan.

Sinabi ni Selaras na bagamat nasa hindi malubha na kalagayan ang mga biktima habang naka-isolate sa magkaibang treatment at isolation facility ng lungsod.

Bagamat hindi naman positibo ang hepe ng himpilan na si Police Capt Ernesto Sanchez subalit hindi na ito pinapa-report at pansamantala pinalitan ni CMFC commander Capt Jack Llaneta.

Napag-alaman na ang bisinidad ng Cogon Police Station ay ang pinaka-matao na lugar sa syudad dahil nagsilbi itong sentro ng komersyo.