-- Advertisements --

Nailigtas ang lahat ng 246 na pasahero ng isang South Korean passenger ferry matapos na ito ay sumadsad sa karagatan.

Ayon sa Coast Guard , nasabit sa isang coral reef ang Queen Jenuvia 2 ferry kaya hindi ito nakagalaw.

Nangyari ang insidente malapit sa Jangsan Island sa Sinan County.

Nagtamo naman ng maliit na sugat sa katawan ang limang pasahero dahil sa impact ng pagtama ng barko.

Ipinag-utos naman ni South Korean Prime Minister Kim Min-seok na gamitin ang lahat ng mga bangka para sa pag-rescue sa mga pasahero ng barko.

Ang 26,000 toneladang ferry ay galing sa resort island na Jeju at patungo sana sa Mokpo City.