-- Advertisements --
OFW OFWs COVID Qatar DFA NAIA

Panibagong 243 na mga overseas Filipino workers (OFW) ang matagumpay na nakabalik ng Pilipinas bilang bahagi pa rin ng repatriation program ng gobyerno dahil sa COVID crisis.

Iniulat ng DFA na dumating ang mga repatriated OFWs sa NAIA na agad sumailalim sa swab test.

Bilang bahagi ng protocols, sasailalim muna ang mga ito sa quarantine bago pauwiin kung matanggap na ang negatibong clearance sa COVID test.

“After their long journey from Qatar, our 243 overseas Filipinos finally arrived home. The DFA credits this successful repatriation to the strong Bayanihan spirit despite the challenges brought about by COVID-19,” bahagi ng Twitter post ng DFA.