DAVAO CITY – Hinahanda na ngayon ng lokal na pamahalaan ang tulong na ibibigay sa mga nabiktima ng sunog kung saan nasa 24 na mga bahay ang nilamon ng apoy sa Purok 3-A, New Society Village, Ilang, Bunawan District.

Ayon kay Senior Fire Officer Ramil Gillado, chief ng intelligence and investigation section ng Davao City Fire District, nagmula umano ang sunog sa bahay ng isang Josephine Lamoste dahil sa electrical short circuit kung saan agad na kumalat ang apoy dahil gawa lamang sa mga light materials ang mga bahay sa lugar.

Una ng sinabi ni Geramie Lahoy-Lahoy isa sa mga residente sa lugar na nagsasagawa lamang sila ng clean-up drive ng bigla nagkagulo ang mga tao dahilan na agad siyang umuwi para iligtas ang kaniyang dalawang anak na naiwan sa kanilang bahay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here