-- Advertisements --

Halos 23,000 tests para sa coronavirus disease (COVID-19) na raw ang na-conduct sa pangunguna ng Department of Health (DOH) matapos pumutok ang outbreak ng sakit sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing nitong araw.

Mula sa 22,958 tests na ginawa ng mga accredited laboratories, may 16,615 o 82.7-percent na nag-negative.

Samantalang 3,414 o 16.9-percent ang nag-test positive.

Paliwanag ni Usec. Vergeire, kaya hindi tugma ang total na bilang ng mga positive at negative cases mula sa mga nagawang tests ay dahil may ilang pasyente na hindi lang isang beses isinasailalim sa testing.

Humingi naman ng paumanhin ang opisyal dahil nagdulot ng kalituhan ang hindi rin tugmang datos na kanilang inanunsyo mula sa mga numerong naka-paskil sa website tracker ng DOH.

“We have been explaining that our nCoV tracker is suffering from technical issues. ‘Yung ating down na system hindi po napi-pickup ‘yung ating mga lumalabas na resulta,” ani Vergeire.