Ibinalita ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac na nasa 95,000 displaced overseas Filipino workers (OFWs) na ang kanilang napauwi sa bansa at naihatid na rin sa kanilang mga lalawigan simula Mayo ngayong taon.
Sinabi ni Cacdac, nasa 50,000 OFWs pa ang darating ngayong buwan at kabuuang 150,000 ang inaasahang mapapauwi ngayong taon dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Cacdac, nasa 230,000 OFWs na rin ang nabigyan nila ng P10,000 cash assistance sa pamamagitan ng DOLE-AKAP Cash Assistance.
Nasa 100,000 OFWs pa umano ang mabibigyan ng tulong mula sa karagdagang P5 billion na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) para sa nasabing programa.
Sakali naman daw na kukulangin ang P5 billion, gagawan nila ng paraan para lahat ng kuwalipikadong OFWs ay mabibigyan ng tulong.