CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat hindi na naglabas ng panibagong genome sequencing sample results ang Philippine Genome Center subalit tinatrato na ng Northern Mindanao Medical Center na malaki ang kaugnayan ng delta variant ng COVID-19 sa naitala na 221 new cases sa Cagayan de Oro City nitong araw.
Ito ay matapos ikino-konsidera ang nabanggit na bilang ng bagong nahawaan na mga pasyente na pinakamataas sa loob ng isang araw simula nang napasukan ng virus ang lungsod.
Sinabi ni NMMC Research Department head Dr Gina Itchon na ang pagsipa ng panibagong kaso ay dahil nangyari na ang ‘clustering transmission’ na isa sa mga kakayahan ng delta variant na tumama sa loob mismo ng pamilya,mga opisina at hindi mahalaga na pagtitipon ng mga residente.
Inihayag ni Itchon na dahil sa maikling mga araw lamang ng incubation period ng delta strain kumpara sa pinakaunang bayrus na tumama sa bansa ay nagresulta ito ng paglobo ng mga tinamaan kahit nasa pangatlong pagkakataon nang inilgay sa Enchanced Community Quarantine restriction ang lungsod.