Patay ang 22 katao dahil sa pagbagsak ng military plane sa Ukraine.

Mayroong kabuuang 28 katao ang lulan ng nasabing eroplano ng ito ay bumagsak at nasunog sa northeastern Ukraine.

Nagsagawa na agad ng rescue operations kung saan kabilang ang Air force pilots at cadets ang nakasakay sa nasabing eroplano.

Dinala naman sa pagamutan ang dalawang katao matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon sa State Emergency Service ng Ukraine, na nangyari ang aksidente na may layong 2 kilometro mula sa military airport.

Dagdag pa sa ipinarating na impormasyon na nasa training flight lamang ang nasabing eroplano.