-- Advertisements --

truck1

Nagpadala ang Philippine Army ng 21 trak na kargado ng P6.5 milyong pisong halaga ng relief supplies sa mga Calamity areas sa Southern Leyte at Surigao del Norte.


Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, dala ng mga trak ang 47 tonelada ng emergency supplies tulad ng bottled water, food items, canned goods, foams, mattresses, portable water purifier packs, electric generator at essential items.

Kasunod ito ng 14 na trak ng relief goods na nagkakahalaga ng 5 milyong piso na ikinarga ng sa BRP Tarlac na patungong Cebu kamakalawa.

Ang mga relief goods ay nalikom ng hukbo mula sa mga pribadong donor na nakapag-ambag na ng kabuuang 12 milyong pisong halaga ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Odette.