-- Advertisements --

Inihayag ni National Maritime Council (NMC) Spokersperson Usec. Alexander Lopez na bahagi lamang ng propaganda ng China ang pagpost sa social media na kanila ang Batanes. 

Sinabi ni Lopez ang nasabing pahayag ng Beijing ay hindi na naiba sa dating inilabas ng china na parte ng kanilang bansa ang palawan. 

Giit ni opisyal ang mga ito ay pawang misinformation, disinformation at kasinungalingan.

Ayon kay Lopez, batid na ng buong mundo na hindi ito pwedeng mangyari dahil sakop ito ng teritoryo ng pilipinas, at wala na rin aniyanng mga bansa sa mundo ang naniniwala pa sa china.

sa katunayan nariyan aniya ang arbitral ruling na nagsasabing pag aari ng pilipinas ang bahaging west philippine sea. 

Naniniwala si Lopez na ang propaganda ng China na kanila ang Batanes ay. gusto lamang nila na magkaroon ng bagong naratibo at sinusubukan nilang baluktutin ang katotohanan para  lituhin ang publiko.