Kinumpirma ni PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Gamboa na under three months probationary period ang 21 PNP high ranking officers na kabilang sa ipinatupad na major revamp.
“I have ordered the massive revamp beginning at the National Headquarters down to the Regional levels. We expect fresh ideas, fresh enthusiasm and fresh resolve from commanders at all levels to carry their share of weight in our campaign against illegal drugs and Internal Cleansing,” pahayag ni Lt.Gen.Gamboa.
Binigyang-diin ni Gamboa na mananagot ang mga opisyal sa kanilang magiging aksiyon sa panahon ng kanilang pamumuno.
“Beginning today, all key positions are under probation for three months. And all promotions will be on hold. And I will make sure the ax will fall where it should if these leaders will not deliver results,” dagdag pa Gamboa.
Siniguro naman ni Gamboa na magkakaroon ng pagbabago sa loob ng tatlonng buwan para patunayan na deserving ang mga opisyal sa kanilang bagong pwesto.
Aminado naman si Gamboa na naapektuhan ang PNP sa kinasangkutang kontrobersiya hinggil sa ninja cops kung saan nadawit din dito si dating PNP chief PGen. Oscar Albayalde.
Tiniyak naman ni Gamboa sa kabila ng kontrobersiya, on track parin ang kanilang kampanya laban sa iliga na droga, krimen at korupsiyon.
” We cannot do this alone. We need all the help we can muster to win and to achieve a safer and more secured community every Filipino truly deserves,” paliwanag ni Gamboa.
Binigyang-diin ni PNP OIC na lahat ng PNP personnel hindi dapat itolerate ang lawlessnes at magiging mas mahigpit sa mga kriminal.