Panibagong 204 overseas Filipinos ang ligtas na dumating sa bansa mula sa Saudi Arabia.

Iniulat ng Departrment of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFW ay sakay ng special commercial flight na SV862.

Karamihan ng mga ito ay nawalan ng trabaho dahil sa COVID crisis at iba pang mga kadahilanan.

Halos araw-araw na ngayon ang puspusang pagpapauwi ng gobyerno ng Pilipinas sa iba’t ibang dako ng mundo sa gitna na rin ng patuloy din na paglobo ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus.

ofw tally 1