Lusot na sa House Appropriations Committee ang House Bill 4228 o ang 2020 proposed P4.1-trillion national budget.
Ayon sa senior vice chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda, ang inaprubahang panukala ay “faithful copy” na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) na National Expendtiture Program.
Dahil dito, naniniwala ang kongresista na hindi maaantala ang pag-apruba sa panukalang pondo para sa susunod na taon.
Giit pa ni Salceda, supportive ang 2020 budget sa national goal na bigyan ng ligtas at komportableng buhay ang mamamayang Pilipino.
Nangunguna ang edukasyon at infrastructure ang may pinakamalaking paglalaan ng panukalang 2020 National budget.
Sa nasabing halaga, P673 billion ang mapupunta sa Department of Education kabilang ang para sa mga State Colleges and Universities, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.
Aabot naman sa P534.3 billion ang para sa Department of Public Works and Highways, ikatlo ang para sa Department of Interior and Local Government na may P238 billion, ikaapat ang Department of Social Welfare and Development na may pondong P195 billion, at ikalima ang Department of National defense na may panukalang pondo na P189 billion.