-- Advertisements --

Inilabas ngayon ng NBA ang kanilang magiging sistema sa gaganaping 2020-2021 season.

kabilang sa feature ang tinatawag na play-in tournament at NBA finals tulad nang isinagawa sa matagumpay na NBA bubble sa Florida kamakailan.

Batay sa inilabas din na schedule ang pinaiksing 75th season ay magsisimula sa December 22 at magtatapos ito hanggang July 22, 2021 na eksakto naman sa pagsisimula ng Tokyo Olympics.

NBA B

Ang bagong season ay magkakaroon ng 72-game schedule.

Kabilang sa inaasahan ay ang intraconference games na aabot sa 42 kung saan ang bawat club ay maglalaban laban ng tatlong beses sa conference.

Ang natitirang 30 games ay iuukol sa laban sa kabilang conference.

Tampok naman ang isang home game at isang road game.

Ayon sa board of governors ng NBA ang seventh team hanggang 10th-best record sa bawat conference ay maglalaro para sa final two playoff spots sa East at sa West.

Batay pa sa kalendaryo ang second half ng season ay sa March 11 hanggang May 16, kung saan ang play-in tournament naman ay May 18-21, 2021.

Ang postseason ay posibleng mangyari mula May 22 hanggang July 22, 2021.

Nangangahulugan ito sa ilang players ay hindi na makakasama sa Tokyo Olympics na unang ipinagpaliban nitong taong 2020.

Ang Summer Games ay muling itinakda sa July 23, kung saan ang qualifying tournaments sa huling four spots sa men’s ay itinakda sa June 29 hanggang July 4, 2021.