Coco Parade of Stars

Tulad ng inaasahan, bumuhos ang fans ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF) Parade of Stars ngayong Linggo, December 22.

Saktong ala-1:00 ng hapon nang magsimula ang parada sa Taguig City kung saan bumida ang patalbugan ng karosa ng walong official entries.

Nanguna sa parada ang float ng “Mission Unstapabol: The Don Identity” nina Vic Sotto, Pokwang, at Jake Cuenca.

Kabilang pa sa nag-showdown sa Parade of Stars ang mga sumusunod:

“3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” tampoks sina Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai-Ai delas Alas

“Culion” kung saan bida sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, at Meryll Soriano

“Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon

“Miracle in Cell No. 7” (Aga Muhlach, Xia Vigor, Bela Padilla, Joel Torre, John Arcilla)

“Sunod” (Carmina Villarroel, Mylene Dizon, JC Santos)

“The Mall, The Merrier” (Vice Ganda, Anne Curtis, Tony Labrusca)

“Write About Love” (Rocco Nacino, Miles Ocampo, Joem Bascon, Yeng Constantino)

Noong nakaraang taon, tinanghal na Best Float ang sinakyan nina Coco Martin para sa comedy film na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

Sinasabing ang 45th MMFF Parade of Stars ang magiging may pinakamahabang oras kung saan babaybayin ng mga ito ang 15.2 kilometers kaya inaasahang tatagal ito ng hanggang walong oras.

Noong 2018 kasi, anim na kilometro lamanga ng naging ruta ng parada sa Paranaque City.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here