-- Advertisements --

Posibleng bubuhos ang hanggang 200mm ng tubig ulan ngayong araw (Sept. 17) dahil sa epekto ng bagyong Mirasol.

Batay sa abisong inilabas ng weather bureau, nakataas sa red warning ang probinsya ng Aurora. Katumbas ito ng mahigit 200 mm ng tubig ulan na posibleng magtatagal sa loob ng ilang oras.

Nakataas naman ang range warning sa mga probinsya ng Cagayan, Isabela, at Quirino. Ang naturang warning ay katumbas ng 100 hanggang 200 mm ng tubig ulan.

Samantala, yellow warning ang nakataas sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, at Nueva Ecija. Ang mga naturang probinsiya ay inaasahang makakaranas ng 50 hanggang 100mm ng pag-ulan.

Ayon sa state weather bureau, mataas ang posibilidad ng malawakang pagbaha sa mga lugar na nasa ilalim ng red at orange rainfall warning. Posible ring magpapatuloy ang pag-ulan sa mga ito, sa loob ng ilang oras.

Hindi rin inaalis ang posibilidad ng mga localized flooding sa mga probinsyang nasa ilalim ng yellow alert.