surrendered firearms
surrendered firearms

CENTRAL MINDANAO-Umaabot sa 20 loose firearms ang isinuko ng LGU-Esperanza Sultan Kudarat sa militar at pulisya.

Ang mga armas ay isinuko ng mga sibilyan sa mga barangay opisyal sa bayan ng Esperanza at tinurn-over naman nila sa mga otoridad.

Ang mga baril ay walang mga dokumento at isinuko ng mga residente sa pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa mga loose firearms.

Nanawagan si 601st Brigade Commander Colonel Jose Narciso sa may mga hawak na mga loose firearms na isuko na sa mga otoridad