Pinabilib ng 20-anyos na si Kevin Porter Jr. ang mundo ng NBA makaraang magtala ngayon ng career-high na 50 points sa panalo ng Houston Rockets kontra sa powerhouse team na Milwaukee Bucks, 143-136.
Dahil sa performance ni Porter, nalampasan niya ang ilang basketball legends sa record.
Naungusan niya kabilang na ang record ni LeBron James noong ito ay bago pa lamang mag-21-anyos.
Si Porter na nasa ikalawang taon na sa NBA ay ang ikaapat sa pinakabatang player sa kasaysayan na umiskor ng 50 puntos sa isang game.
Pero sa prangkisa ng Rockets si Porter na ngayon ang may hawak sa record na pinakabatang player.
Ang kulelat na Houston ay natuldukan din ang limang sunod nilang mga talo.
Ito ang ika-16 pa lamang na panalo ng Rockets ngayong season.
Habang ang Bucks ang number 3 ngayon sa Eastern Conference.
Nasilat ng Rockets ang Bucks pero hindi na natapos ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang laro sa first quarter pa lamang dahil sa sprained ankle.